Blog

Paano Maging Maunlad sa 2021:Mag-Journal Tayo Galing sa Salita ni Lord!

Posted: 2020-12-23

Hello po sa inyong lahat! Kumusta?

Gusto kong ishare yung journal ko. Ito yung verse na nagencourage sa akin:

Salmo 1:2 ASND
Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na mula sa
Panginoonat araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan. Ang katulad niyaʼy isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa, na namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon. Magtatagumpay siya sa anumang kanyang ginagawa.

Nung binasa ko ito, na-remind ako kung gaano ka-importante ang pag-journal sa buhay natin. Gusto ko kayong iencourage bago ko sabihin kung bakit mahalaga ang journaling.

Ang sabi sa verse 2 (english version), “They love the Lord’s Teachings”. Para sa akin, magandang paalala to na ang pagbabasa ng Bible at pag-Journal ay produkto ng pagmamahal natin kay Lord.

Minsan may mga araw na hindi ako consistent, o kaya’y hindi talaga ako nakakapag journal at kapag nangyare yun, napansin ko na nahihirapan na ulit ako bumalik o magbasa ulit dahil pakiramdam ko ay nahihiya akong lumapit kay Jesus. Pero sa totoo lang. hinihintay ako ni Jesus na kausapin Siya sa pamamagitan ng pagjojournal!

Sa The MSG ng Bible, sinabi doon na “CHEW the scripture day and night”. Napa-isip ako, ano pa ba ang ating nginunguya? —Pagkain! Kapag kumakain tayo ng masusustansiya na mga pagkain, tayo ay nag-grow physically! Ganoon rin tayo kapag nagjojournal, lumalago tayo spritiually!

Ngayon, bigyan niyo ako ng ilang segundo para mag-muni muni at isipin kung ano ba ang mga bagay na inilalagay natin sa puso at isipan natin. Tinutulungan ba tayo ng mga ito upang lumago ang pananampalataya natin?

Kung ako ang tatanongin niyo, actually nitong mga nakaraang linggo sobrang iniisip ko yung stress sa trabaho, at obviously hindi talaga ito nakakatulong sakin. Pero ngayong nabasa ko itong verse na ito (Psalm 1:2-3), naremindan at na-refresh ako!

Hindi man lubusang nawala yung mga bagay na iniisip ko tungkol sa trababho, naalala ko na may mga bagay akong hindi kayang gawin na sobrang dali para kay Jesus. Tulad ng pagkakaroon ng mahabang pasensiya. Hindi ko akalaing may mas ihahaba pa pala ang pasensiya ko! Maliit na bagay ito kung tutuusin pero isa ito sa mga bagay na hindi ko kayang gawin kung ako lang, pero naging posible dahil sa Kanya. Ang galing talaga ni Lord! Amen!

Lifehouse Manila Blog Team
Patty

FIND OUT MORE?

New to the Christian faith or just interested?
New to Lifehouse? find out more about us below.
Join one of our in-person or online church services.