The Philippines Independence Day Celebration! (Tagalog Blog)

Magandang araw sa inyong lahat! Kahapon (Hunyo 12, 2020) ay nag-celebrate tayo ng Araw ng Kalayaan ng ating bansa! Isa ito sa pinaka-importanteng naganap sa history ng ating bansa —ang pag deklara ng ating kalayaan!

Nais ko rin ipaalala sainyo ang isa pang importanteng naganap 2000 years ago — noong pinalaya tayo ni Jesus sa kamay ng sin.

Sa panahon ngayon, ang salitang “kalayaan” ay sobrang halaga para sa atin. Mahalaga na malaya tayong makapili ng gusto nating gawin sa buhay. Mahalaga na malaya nating ma-iexpress ang sarili natin o di kaya at mabuhay tayo nang malaya!

Ano nga ba talaga ang ibig sabihin “Kalayaan” ayon sa Bible?

Gusto ko ishare ang verse na ito mula sa Galacia 5:13, ayon dito:

Sapagka’t kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan; huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo.

Na remind ako ng verse na ito na ang Kalayaan ay resulta ng pagmamahal, katulad ng pagmamahal ng Diyos sa atin.

Ipinadala Niya ang nagiisa Niyang anak na si Jesus upang pagsilbihan tayo—ibinigay niya ang buhay niya kapalit ng kalayaan natin mula sa kamay ng sin.

Ang kalayaan ay resulta ng pagmamahal. At maaari nating ipakita ang ating pagmamahal at maaari tayong magsilbi sa bawat isa sa tuwing nag-papatawad tayo—tuwing ibinabahagi natin ang salita ng Diyos sa bawat isa o kaya naman sa tuwing ineencourage natin ang isa’t isa.

Ganoon natin mararamasan ang tunay na kahulugan ng kalayaan.

Katulad nalang ng kalayaang naranasan natin noong nakilala natin Si Cristo at naranasan ang walang hanggang pagmamahal Niya para saatin.

Ang kalayaan ay hindi lisensya para gumawa ng mali, instead tignan natin ito bilang opportunity para pagsilbihan at mahalin ang bawat isa.

Patty