Tungkol Saan Ang Journal Mo This Week?

Magandang araw sainyong lahat! We hope na maganda ang week na ito para sa inyo!

Sa sitwasyong kinahaharap natin ngayon, sobrang laking pasasalamat natin sa bawat oportunidad na dumadating sa atin, katulad nalang ng privilege na tayo ay makapag work from home. Pero minsan, may mga bagay na nangyayari na hindi natin inaasahan. Minsan nga, nagco-complain rin tayo. 

Gusto ko sanang i-share ang journal ko sainyo, dahil sobrang na-remind ako. Marahil ito ang nakaligtaan kong pinaka-importanteng bagay pagdating sa aking trabaho. Ayon sa Colosas 3:22-24, 

22 Mga (A) alipin, sa lahat ng bagay ay sumunod kayo sa inyong mga panginoon dito sa lupa. Buong puso kayong maglingkod; hindi lamang kapag sila’y nakatingin. Gawin ninyo ito nang may takot sa Panginoon upang magbigay-kasiyahan sa tao. 23 Anuman ang inyong gagawin ay buong puso ninyong gawin, na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao; 24 yamang alam ninyo na tatanggap kayo mula sa Panginoon ng pamana bilang gantimpala. Sa Panginoong Jesu-Cristo kayo naglilingkod.

Na-remind ako na hindi ako nagtatrabaho para sa boss ko, pero para sa Panginoon. Ang Diyos ang nagdala saakin sa pinagta-trabahuhan ko at kahit may mga bagay akong hindi nagugustuhan patungkol dito, may dahilan ang Diyos kung bakit niya ako dinala kung nasaan ako ngayon. 

Hindi lang ako binigyan ng oportunidad upang makapag trabaho at makapag-provide para sa pamilya ko ngunit binigyan din ako ng oportunidad para ipag-dasal ang mga taong nakapaligid saakin at oportunidad para makilala nila si Cristo!

Ito ang dahilan kung bakit nakaka-excite magtrabaho sa kabila ng mga sitwasyon natin ngayon!

Ang aking panalangin ay maging  intentional tayo sa bawat kilos satin.  At sa bawat bagay na gagawin natin ay ma-honor at ma-glorify natin ang Diyos! 

Puwede mo ring ishare ang journal mo sa comment section para makapag-encourage din tayo ng iba!

Lifehouse Manila Team
Patty